Angelo S. Albano

Purok 6 Manaoag, Cauayan City, Isabela, Philippines

angeloalbano725@gmail.com

09663919049

kalangitan

By: guddisht


Lyrics

[Intro] Oh, oh, oh Oh, oh-oh-oh Oh, oh


Sa tuwing napapatanaw ako sa 'ting kalangitan Lalo kong natatanggap ang kalapitan Na balang araw lahat tayo ay mapapalitan Mga bagay sa mundo ay merong may katapusan, yeah Pero 'di na bale, patuloy aabante

At kung sa'n man ako dadalin ng ihip Ng hangarin ko, ilalagay sa isip Papalarin din sa landas na napili Ang lahat ay gagaan sa ngalan ng pag-ibig

Ang aking mga hiling natupad Meron nang nakikinig sa wakas Pinapangako kong hanggang may lakas Gagawa ng musika hanggang sa wakas

Dito nako nabuhay Dito ko nakita halaga nitong buhay Parang dati rati lang mata ko'y mapungay Ngayon kita mo liwanag na bitbit ko makulay, yeah

Salamat sa mga naniniwala sa 'kin Sa tinig ko sa aking mga sinasabi Hangarin ko lahat tayo ay pagpalain Sa tuwing bumibigat, pasan napapakapit

Sa bawat isa, pamilya kita Kaibigan alangan na iwan kita 'Wag kang bibitaw, 'wag kang aayaw 'Di magtatagal ay matatanaw

Makakamtan kung anong mga para sa 'tin Matitikman kaginhawaan, palayain Kung ano man yung mga panget na nangyari Kalimutan upang makausad na sa byahe

Alam ko naman na merong patutunguhan Mga paghihirap natin hindi masasayang Tatapat din ang roleta sa 'tin balang araw Sa pagpanaw din naman ang bagsak sa mundong ibabaw

Ay lilisan din tayo sapagkat Ang mga to'y 'di permanente lahat Ngayon palang, kailangan mong matanggap Na sa mundong to ay alaala ka lang